Lunes, Pebrero 18, 2013

Maipagmamalaki

    Madaling sabihin ang mga pangarap na natatanaw, ngunit di ka sigurado kung hanggang saan ang iyong pagsisikap at kung hanggang kailan mo ito matitiis. Sa panahon ngayon karapatdapat lamang na bigyang pugay ang mga nagsisikap at patuloy na nangagarap sa buhay. Isang napakasiguradong paraan ay ang pag-aaral. Kung kaya't naisipan kong magsulat ukol sa isang tao na nakapagtapos sa Davao City National High School  at maipagmamalaki.

   Si Angelica Faith L. Suarez ay panganay na babaeng anak nina G. at Gng. Carlos C. Suarez J.R. .Bata pa lang ay kita na ang taglay na talento, kagandahan, kompyansa, at  talino . Sa dahilan na may kapatid siya na apat na taong gulang na nakakabata sa kanya, isa rin siyang napakabuting ate sa kanyang  kaptid na babae, si Cameelle Joy L. Suarez. Ayon pa sa kanyang mga magulang, si Angelica ay isang matapang na bata , kung kaya't ng ito ay nanguna sa kanilang talaksan sa knaiyang pagtatapos sa elementarya sa isang pribadong paaralan ay nais nitong mag-aaral sa isang pampublikong paaralan . Nais niyang mahamon siya sa kanyang pag-aaral upang mas magkaroon siya ng tapang at giting na makamit ang kanyang mga pangarap.

   Di naman nabigo ang mga magulang nitong pag-aralin siya  dito sa Davao City National High School, dahil napabilang ito sa Engineering and Science Education Program  (ESEP). Hindi madali ang pag-aaral ni Angelica dito dahil sa mga taglay ng programa na pagbutihin ang katalinuhan at mga kakayahan ng mga mag-aaral .Simula't simula , noong nasa unang taon pala lamang siya hanggang sa ika-apat na taong niya na pag-aaral ng hayskul ay napagdaan niya at ng kanyang mga kaklase ang mga pagsubok na nagbigay hindi lamang sa kanya kundi sa kanyang mga kaklase Dahil dito mas matibay na relasyon sa isa't isa bilang magkakaklase at makakaibigan ang meron sila. Sumali na sila sa iba't ibang kompetisyon, gaya lamang ng Choral Reading, Speech Choir, Poster Making,  at marami pang iba.

   Sa apat na taong nailaan ni Angelica sa kanyang pag-aaral  sa Davao City National High School, hindi na mabilang bilang ang mga parangal at pabating natanggap niya at ng kanyang mga kaklase, paniguradong may maliwanag na kinabukasan itong si ate Angelica. Nakapagtapos  siya ng hayskul bilang "Salutatorian" noong ika-2 ng Abril 2012 kasama ang sari-saring medalya. Nakapgtapos siya at ang kanyang mga kaklase na mayroong paninidigan sa sarili , dignidad, prensipyo, karunungan, talino, at higit sa lahatang pag-asa na makamit ang mga pangarap. Hindi na gaanong malayo ang lalakarin ni Angelica kung kaya't mag-aaral na siya sa kolehiyo.

  Sa kasalukuyan , si Angelica ay nag-aaral ng unang taon sa kolehiyo bilang mag-aaral ng BS Chemisrty sa University of the Philippines Visayas. Patuloy siya sa pagiging mabuting ehemplo sa kanyang kapatid, masunuring anak, masipag na mag-aaral, totoong kaibigan, mapasalamat na pinsan at pamangkin,  at maipagmamalaking apo at anak. Dahil sa pinanghahawakan niyang panagarap, masikap nitong paglakad patungo dito at pananalig sa Diyos, talagang maipagmamalaki siya.

-Cameelle Suarez ( credits to Angelica Faith L. Suarez )
-Ang artikulong ito ay para lamang sa proyektong pinaglalaanan. Wala itong pinapatamaan o iba mang kahulugan na negatibo. Ang nais lamang ng may akda na mailapat ang magandang halimbawa ng isang  Davao City National High School Pride.
 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento